Solenn kinopya ang mukha ni Paolo, pero palpak daw

PAOLO BALLESTEROS AT SOLENN HEUSSAFF

NAKITA na namin ang make up transformation ni Paolo Ballesteros bilang si Solenn Heussaff. Pero wait pa namin ang go signal ng producers bago namin ilabas ang foto ni Pao bilang Solenn, huh!

Pati nga si Sos, sumaludo kay Paolo nang makita niya ang paggaya sa kanya mula sa make up, sa mukha hanggang sa style ng buhok. May challenge din kasi si Sos na mag-transform siya bilang si Paolo pero hindi pa niya yata ito masyadong na-perfect.

Nag-post si Solenn ng photo sa IG kung saan tinangka niyang kopyahin ang mukha ni Pao, nilagyan niya ito ng caption na: “Of course, Paolo is just the best when it comes to these things and being a first-timer, I realized that I totally SUCK. Haha. Even though I paint and do makeup professionally, makeup transformation is a totally different art and requires a skill that I just don’t have in my pocket! I appreciate Paolo’s work even more now. Respect!!!!”

Magkasama ang dalawa sa Mother’s Day movie ng Regal Films, ang “My 2 Mommies” at kapwa sila magaling sa make-up. Ang talento nila sa aspetong ito ay exclusive na mapapanood sa isang magazine show very soon.

Read more...