Inamin din ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagulat maging si Pangulong Duterte sa ginawa ng Kuwait.
Aniya, naghihintay pa sila ng direktiba mula kay Duterte sa mga susunod na hakbang. “Wala pa pong malinaw na marching order kung anong susunod na hakbang ng ating gobyerno,” ayon sa opisyal.
Sinabi rin ni Roque na una nilang inakala na naplantsa na ang gusot sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.
“Akala natin naayos na ang gusot dahil si Presidente na mismo ang nakipag-usap sa Ambassador ng Kuwait. At humingi naman ng tawad pa si Secretary of Foreign Affairs Alan (Peter) Cayetano, kaya ang buong akala natin ay we can move forward doon sa ating samahan,” aniya.
“Pero ang pangyayari pong ito ay talagang nakakagulat. At ang problema po ngayon ay lahat po kami papunta ng Singapore at si Presidente po konting mahuhuli kasi mayroon pang speaking engagement sa mga mason sa Davao,” dagdag niya.
Kamakalawa ay idineklara si Villa na “persona non grata” ng Kuwait at binigyan ng isang linggo para umalis sa bansa.