Nahulog sa sapa na may maitim na tubig sina House committee on housing and urban development chairman Albee Benitez at Zamboanga City Rep. Celso Lobregat kasama si Zamboanga City Mayor Maria Isabelle Climaco.
“Nothing more can convince us that people left homeless as a result of the 2013 Zamboanga siege have become victims twice. We became victims ourselves, ani Benitez.
Posibleng hindi kinaya ng tulay ang bigat ng mga tao na nagsabay-sabay na dumaan sa tulay alas-10:30 ng umaga. Kasama ng mga opisyal ang kanilang mga staff at security.
Tinitignan ng mga opisyal ang pabahay ng gobyerno sa Sitio Hongkong, Brgy. Rio Hondo para sa mga Badjao na naapektuhan ng salakayin ng mga rebeldeng Moro National Liberation Front ang lugar na tinaguriang Zamboanga siege.
Nagrereklamo ang mga Badjao dahil substandard umano ang mga bagay na ibinigay sa kanila ng National Housing Authority.
“Hindi nga namatay sa bakbakan, baka dito na sila matuluan sa ginawag pabahay para sa kanila,” dagdag pa ni Benitez.
Wala namang malubhang nasugatan sa mga nahulog at hindi na nagpadala sa ospital.
Naglaan ng P1.5 bilyon ang gobyerno para sa pagtatayo ng 6,343 housing unit sa ilalim ng Zamboanga City Roadmap to Recovery and Rehabilitation.
“It is tragic that the house that was supposedly the sumbol of new beginning for families affected by the Zamboanga siege has become a threat to their lives,” ani Benitez.