AlDub fans muling binantaan ang GMA pag binigyan ng bagong ka-loveteam si Alden

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

NAKATAWAG ng pansin ang litratong ipinost ng senior actress na si Maritoni Fernandez sa kanyang Instagram account na kuha sa isang tent.

Sa caption nito, sinabi niyang may teleserye siyang ginagawa sa Kapuso Network coming this summer pero secret pa raw.

Kasunod nito ay ang pagpo-post niya ng picture kung saan magkasama naman sila ni Alden Richards.

Nakasaad sa caption ang, “What’s cooking?! Always so good to bump into you baby. Hay, di ka na baby @aldenrichards02 but to me you always will be. Love you always Nak. @leximalvarez Lexi misses you so much also.”

Nagbigay ng kanya-kanyang interpretasyom ang mga fans nina Alden at Maine Mendoza sa mga IG post ni Maritoni.

“Teleserye without Maine? If it is, I’m only for AlDub, they only had a movie and teleserye, so I’m not supporting it if he’ll have a love interest here,” sabi ni @2cheeesy3.

Sabi naman ng ibang netizens, nagkasalubong lang daw sina Alden at Maritoni kaya huwag mag-isip na magkasama sila sa bagong teleserye ni Alden. Kumampi naman kay Maritoni ang ilangsupporters ng Pambansang Bae.

Read more...