Nadiskubre ng isang kapitbahay ang mga labi ni Antonio Padua at anak niyang babae dakong alas-5 ng umaga Martes, sa loob ng kanilang bahay sa Hacienda Pula, Brgy. Kapitan Ramon, ayon sa ulat ng Negros Occidental provincial police.
Kinakitaan ang mga bangkay ng taga at paso sa iba-ibang bahagi.
Lumalabas na matapos pagtatagain ay sinilaban ang mag-ama sa pamamagitan ng damit na nakitang sunog din sa kanilang tabi, ayon sa ulat.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng salarin.
MOST READ
LATEST STORIES