Sa isang briefing, idinagdag ni PDEA Director Aaron Aquino na kasama sa listahan ang mga kapitan at kagawad ng barangay.
“I am now finalizing the list and within the week I will call for another press conference, and I will publish finally these 216 barangay kagawads and barangay chairmen who are involved in drugs,” sabi ni Aquino.
Idinagdag ni Aquino na binigyan na siya ng basbas ng Palasyo para isapubliko ang pangalan ng mga opisyal ng barangay.
Noong Martes, hiniling ni Iligan City Rep. Frederick Siao sa PDEA na ilabas ang pangalan ng mga opisyal ng barangay na umano’y sangkot sa droga sa harap naman ng paparating na eleksiyon ng barangay at Sangguniang Barangay sa Mayo 14.