Jane Oineza babu muna sa bida image, handa nang maging ‘impakta’

 

JANE OINEZA

KONTRABIDA  si Jane Oineza sa Precious Hearts Romances Presents Araw Gabi na magsisimula ngayong Abril 30.

For her role, nagpagupit ng buhok si Jane, “Nakapag-launch na po sila. Nagulat po ako na nakipag-meeting si RSB (Ruel S. Bayani) to present this role for me. Sobrang natuwa po ako na, una siyempre balik-teleserye po after doing movies. Excited din ako. It’s a new challenge,” she said.

Hindi pa aware si Jane how her character will turn out to be.

“Actually, hindi ko pa po nababasa kung paano ang character sa teleserye na ito. Pero excited ako kung paano ko paglalaruan. Kung paano ako magiging masama kina JM (de Guzman) and Barbie (Imperial)” she said.

Playing a kontrabida is no big deal for Jane, “Hindi ko naman po iniisip ang ganoon na sinusuportahan ko lang si Barbie. Happy ako para sa blessing niya. Basta ako kung ano ang kaya kong gawin ibibigay ko.”

With regards to rumors na lilipat siya ng network, ito lang ang nasabi ni Jane, “Sobrang random nga po noon. Bigla na lang pong nagsabi na lilipat ako. Dati na nilang sinasabi ‘yon. Kasama ako sa Araw Gabi so Kapamilya pa rin po ako.”

q q q

How true ang chikang aming nasagap na may anak na ang isang aktres na katunog ang name ng isang child star?

Bago ang kanyang boyfriend ngayon na relative ng isang babaeng isa sa pinakamaganda sa showbiz, ay nagka-boyfriend daw ang aktres ng isang chef na nakilala niya sa isang culinary school.

Lihim na lihim daw ang kanilang relasyon pero alam ng mga taga-culinary school ang tungkol dito. Kasi naman, noong isang panahon na hindi siya masyadong active sa showbiz ay panay ang punta ng aktres sa kanyang chef na boyfriend.

Ang chika, nabuntis daw ang aktres kaya lang ay hindi niya ito puwedeng ilantad. May asawa raw kasi ang boyfriend niyang chef.

Kaloka!!!

 

Read more...