JM umamin sa kontrobersyal na pwet scandal: Pinaghandaan ko yun!

 

INAMIN ni JM de Guzman na sa muli niyang pagharap sa mga camera ay hindi nawala ang kanyang kaba, ilang taon din kasi siyang nawala matapos magpa-rehab.

Tinanong ang aktor kung may mga sexy at intimate scenes siya sa comeback series niya sa ABS-CBN na Precious Hearts Romances Presents Araw Gabi with his leading lady Barbie Imperial at kung totoong nagpakita siya ng butt sa isa niyang eksena.

“Opo, may mga sexy scenes naman, napaghandaan naman kaya hindi na ako nailang. Nu’ng sa workshop po may mga ginawa na kami kaya nu’ng actual shoot na, okay na kami ni Barbie,” pag-amin ng aktor.

Kamakailan ay nabalitang hindi ang likuran ni JM ang ipinakita sa mga eksena sa Araw Gabi kaya natanong ang aktor kung totoong may ka-double siya rito.

“May parts na iba at may parts na ako. Kaya kami nag-body double kasi ‘yung mga eksenang kailangang tumagal sa ilalim ng dagat, ‘yun lang din ang reason.

“At saka nu’ng Angelito (una niyang lead role) ginawa ko na rin po yun kasi nag-dive sa tubig si Angelito. Siya rin ‘yung body double ko,” pag-amin ni JM.

Makahulugan naman ang pahayag ng aktor sa sinabi nitong posibleng ma-in love siya sa leading lady niyang si Barbie.

“Nadala lang po ako ng impulse ko na kahit sino naman ay magho-hope pero alam naman nating mayroon siyang (boyfriend) at kaibigan ko rin si Paul (Salas),” katwiran ng binata.

Anyway, mapapanood na sa Lunes, Abril 30, ang PHRP Araw-Gabi pagkatapos ng Asintado sa ABS-CBN.

Read more...