Ruru malaki ang utang na loob kay Siri; ending ng Sherlock Jr pasabog
SIGURADONG isang bonggang pasabog ang mapapanood sa finale week ng well-loved primetime series ng GMA 7 na Sherlock Jr.. na pinagbibidahan ng Kapuso hunk na si Ruru Madrid na gumaganap bilang si Sherlock “Jack” Jackson, Jr..
Maraming dapat ipagpasalamat ang binata sa Kapuso network matapos ipagkatiwala sa kanya ang nasabing proyekto, kabilang na rito ang mga new experience and learnings na forever daw niyang babaunin sa kanyang journey bilang aktor.
“Dati kasi lagi ko lang sinasabi sa interview na pangarap ko maging action star, everytime na tinatanong ako ano gusto ko. Ngayon po natupad na lahat ‘yon, so sobrang nakakatuwa po talaga,” pahayag ni Ruru.
“Pero my most unforgettable experience is being with Siri (the wonder dog) everytime na may scenes kami. Kumbaga kasi alam naman ng lahat na sobrang takot ako sa aso dati. Pero nawala dahil sa show na ‘to. So hinding-hindi ko makakalimutan yung mga eksena namin ni Siri,” aniya pa.
Ruru adds that viewers should look forward to more exciting and action-packed scenes on the finale week, lalo na ang magiging ending ng Sherlock Jr., “Siyempre puro action, at the same time nandiyan ‘yung drama and comedy side. Ibibigay na namin ‘yung mga bagay na hindi pa nakikita sa show. Kumbaga ‘yung mas intense at unforgettable na mga eksena talaga.”
Sa pagpapatuloy ng kuwento, patuloy na nanganganib ang buhay ni Jack dahil hindi titigil ang sindikato ng kanyang ama pati na ng kanyang half-brother na si Gregor (Rafael Rosell) hangga’t hindi siya napapatay.
Paano nga ba niya maililigtas ang sarili pati na ang mga mahal niya niya sa buhay? Matulungan pa kaya siya ni Siri at ng kaibigan niyang pulis na si Pido (Andre Paras)? Abangan lahat ‘yan sa huling linggo ng Sherlock, Jr. after 24 Oras sa GMA Telebabad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.