Pakiusap ni Luis sa netizens: Tigilan na ang pambabastos sa ‘viral debutante’

LUIS MANZANO

NAKIUSAP ang TV host-comedian na si Luis Manzano sa kanyang social media followers na tigilan na ang pamba-bash sa “viral debutante” na inakusahang walang utang na loob at mukhang pera ng madlang pipol.

Nag-ugat ang kontrobersya nang mag-rant ang dalaga sa Facebook na nagreklamo sa P10,000 cash na iniregalo sa kanya ni Luis Manzano para sa kanyang debut party sa pamamagitan ng kanyang tatay na nakasali sa I Can See Your Voice.

Dahil sa tumitinding pamba-bash ng netizens sa reklamadorang debutante, personal na itong nag-sorry kay Luis kasabay ng paghingi ng tulong dahil nga sa walang patumanggang panlalait at pambabastos sa kanya.

“Hi guys! Nag usap na kami ng binibini/poster regarding the 10k issue, actually nung isang araw pa and we are ok now, 100% . May I ask that everyone now give her a break and let it go? Thank you for the nice words and pagtanggol niyo sa akin, i appreciate it.

“Pero kawawa rin this young lady sa bashing can you guys share this para kumalat na rin? (and I asked her to call me kuys ha, ayoko ng sir nung una naming message) AND NAGSORRY NA SIYA NG MARAMING BESES,” sabi pa ni Luis.

Pa-good vibes lang ang emote ni Luis ngayon dahil katatapos lang ng kanyang birthday celebration kung saan naki-party ang kanyang mommy at daddy na sina Star For All Seasons Vilma Santos at Edu Manzano with Sen. Ralph Recto at girfrield niyang si Jessy Mendiola.

 

Read more...