Comedian Sammy Lagmay pumanaw


SUMAKABILANG-buhay kahapon ang komedyanteng si Sammy Lagmay.

Alas-3 ng hapon nang pumanaw si Lagmay bunsod ng komplikasyon sa sakit na diabetes.

Matatandaang ilang buwan na ang nakararaan ay humingi ng tulong sa radyo at dating katrabaho sa showbiz si Lagmay para sa pagpapa-dialysis dahil hindi na gumagana ang kanyang mga kidney.

Maliban doon ay lumabo na rin ang kanyang mga mata.

Sumikat si Lagmay sa kanyang role sa mga sitcom na “Abangan Ang Susunod na Kabanata” at “Chicks to Chicks.”

Read more...