Galit ng Kuwait nahilot—Palasyo

NAAYOS na ang gusot sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait na nag-ugat sa ginawang pagsagip ng taga-Department of Foreign Affairs sa mga minaltrato umanong overseas Filipino workers sa nasabing bansa sa Middle East, ayon sa Malacanang.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagkausap na sina Pangulong Duterte at Kuwait Ambassador to the Philippines Musaed Saleh Ahmad Althwaikh sa Presidential Guest House sa Davao kagabi.

“Lahat po ‘yan napag-usapan. Natapos po ang usapan na mas matindi ang pagkakaibigan ng bansang Kuwait at ng Pilipinas,” ani Roque. Iniyabang pa niya na alam ni Duterte kung paano puhapain ang galit ng mga Kuwaiti.

“Ang masasabi ko lang, iba talaga ang style po ng ating Presidente pag nakikipag-usap sa ibang bayan – very personal, very friendly. I think it is beneficial to the country

Matatandaang iprinotesta ng Kuwait ang rescue mission na isinagawa sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) doon. Naging viral din ang video ng pagsagip na ipinost ng mga taga-DFA pa mismo.

Samantala, inamin ni Roque na wala siyang impormasyon kaugnay sa ulat na apat na Pinoy na sangkot sa rescue mission ang idinetine ng Kuwaiti government.

Idinagdag niya na hindi na kinailangang humingi pa ng paumanhin ni Duterte sa kumalat na video kaugnay sa rescue mission.

Pero tiniyak umano nb Pangulo na rerespetuhin ng Pilipinas ang umiiral na batas sa Kuwait.

“Well ang sinabi po niya ay ‘We will respect the sovereignty of Kuwait.’ Kasi nga naman, tayo, advocate tayo ng independent foreign policy; ayaw natin nanghihimasok ang ibang bansa sa ating bayan, rerespetuhin din natin ang soberenya ng ibang bayan,” sabi ni Roque.—Bella
Cariaso

Read more...