Alcala, 23 iba pa kakasuhan sa garlic cartel

Kakasuhan ng Ombudsman si dating Agriculture Sec. Proceso Alcala at 23 iba pa kaugnay ng kartel umano ng bawang noong panahon ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III.
Kasong graft ang isasampa kay Alcala, Bureau of Plant Industry Director Clarito Barron, BPI Division Chiefs Merle Palacpac at Luben Marasigan, ang negosyante ng bawang na sina Lilia “Lea” Cruz, Edmond Caguinguin, Rolan Galvez, Rochelle Diaz, Ma. Jackilou Ilagan, Jon Dino De Vera, Napoleon Baldueza, Jose Ollegue, Laila Matabang, Angelita Flores, Gaudioso Diato, Denia Matabang, Jose Angulo, Jr., Raffy Torres, Mary Grace Sebastian, Renato Francisco, Rolando Manangan, Orestes Salon, Prudencio Ruedas at Shiela Marry Dela Cruz.
Ayon sa Ombudsman, mula 2010 hanggang 2014 ay umabot sa 8,810 import permit ang ibinigay ni Alcala at mga opisyal ng BPI.
Sa mga ito 5,022 ang napunta sa mga importer at affiliate ng Vendors Association of the Philippines, Inc. na pinamumunuan ni Cruz.
Noong Hulyo 24, 2013, itinalaga ni Alcala si Cruz bilang chair ng National Garlic Action Team, isang consultative body ng DA para sa mga polisiya kaugnay ng bawang, kasabay ng pagiging representative nito ng mga garlic importer at tumutulong sa pag-aayos ng kanilang import permits.
Noong Agosto 22, 2013 ay nagpalabas ng resolution ang NGAT at inirekomenda na huwag magpalabas ng import permit dahil sapat ang suplay hanggang sa Marso 2014.
Pero noong Nobyembre 2013 ay nagpalabas ng resolusyon ang NGAT at nagdeklara na may kakulangan sa suplay kaya kailanga mag-import ng 58,240 metriko tonelada ng bawang—70 porsyento ang mapupunta sa mga kooperatiba ng mga magsasaka at ang 30 porsyento sa garlic importer.
“NGAT’s resolution that 70% of the IPs would be allocated to farmer cooperatives was actually a scheme designated for Cruz to control the garlic importation.  It bears emphasis that after Cruz established VIEVA, she caused the affiliation of farmer cooperatives and associations under its umbrella on the pretext of helping them financially.  By adopting the scheme, Cruz practically controlled a big chunk of the 100% of the IPs (import permits) for imported garlic.  The 30% of the IPs supposedly allocated to legitimate garlic importers was given mostly to VIEVA and its affiliated importers.  On the other hand, the 70% of IP allocation for the farmer cooperatives was mainly captured by Cruz through VIEVA-affiliated farmer groups,” saad ng Ombudsman.
Dahil dito ay nagawa umanong makapagdikta ng presyo ang VIEVA. Noong Enero hanggang Hulyo 2014 ay umabot sa P260- P400 ang kilo ng imported na bawang mula sa P165-P170.
Sa kasong administratibo, napatunayan ng Ombudsman na guilty sa kasong grave misconduct sina Barron, Palacpac at Marasigan at sila ay sinibak sa puwesto.

Read more...