500 Grab driver pinarusahan dahil sa pagkakansela ng booking

SINABI ng Grab Philippines na umabot na sa 500 driver ang pinatawan ng parusa matapos ang resulta ng imbestigasyon kaugnay ng mga reklamo laban sa mga driver na nagkakansela ng booking.

Sa isang pahayag, nag-sorry rin si Grab Country Head Brian Cu sa mga aberya.

“We will never tolerate any behavior that compromises the quality of our service. We see every post and complaint. We apologize that our services fell short. However, we will move forward,” sabi ni Cu.
Ito’y sa harap naman ng mga reklamo laban sa mga driver ng Grab na nagkakansela ng booking ng mga pasahero.

“We have rolled out additional and stricter measures to address issues on cancellations and this is just the start. We promise to improve to provide the quality of service our passengers deserve,” ayon pa kay Cu.

Read more...