ANG kukulit ng ibang bansa sa pagtuligsa sa Pilipinas tungkol sa extrajudicial killing o EJK na gawa ng kampanya ni Pangulong Digong laban sa droga.
Sumama na ang US sa European Union sa pagbatikos sa ating pamahalaan.
Dapat ay kung ilang beses nilang binabatikos tayo, ganoon din ang beses na sabihin natin sa kanila na “go to hell.”
Ang bansang Pilipinas ay isang soberenya at walang dapat nagdidikta sa atin kung anong gagawin sa pamamalakad nito.
***
Bakit di pinakialaman ng mga US human rights groups ang pagkawala o pagkamatay ng maraming mga pusakal na kriminal sa New York City noong mga panahon ni Mayor Rudy Giuliani?
Bago naupo si Giuliani bilang alkalde, maraming lugar sa New York ay hindi ligtas kahit na sa araw dahil sa mga holdup at rape.
Ang New York City Police Department (NYPD) ay pinaratangan ng pagbabaril ng mga sibilyan na walang armas, pero ipinagtanggol ni Giulani ang kanyang mga pulis.
Dahil sa kanyang naiibang pamamaraan sa pagsugpo sa krimen, nalinis ni Giuliani ang New York City ng masasamang-loob.
Kung ano ang ginawa ni Giuliani noon sa New York, ganoon din ang ginagawa ni Pangulong RodyDuterte sa bansa.
By the way, si Giuliani ay New York City prosecutor bago siya naging mayor. Si Duterte naman ay Davao City prosecutor bago naging mayor bago naging Pangulo ng bansa.
Kaya, anong pagkakaiba ni Giuliani kay Duterte?
Ang hirap sa US ay nakikita nila ang diumano’y human rights violations ng ibang bansa pero di nito nakikita ang human rights violations mismo sa bansa nito.
***
Nakakatakot ang binitiwang salita ni Pangulong Digong nang ginawa niyang chief ng Philippine National Police (PNP) si Oscar Albayalde.
“Gawin mo ang tungkulin mo na ayon sa batas sa pagsugpo at pagpatay ng mga kriminal. Nasa likod mo ako,” ani Digong kay Albayalde sa turnover ceremonies sa Camp Crame.
Ipinasa ni Ronald “Bato” dela Rosa ang bandila ng PNP kay Albayalde noong turnover.
Dapat manginig na ang mga tumbong ng mga kriminal sa tinurang yun ni Digong.
Ibig sabihin: lipulin ang mga ulupong!
Nagbo-volunteer ang inyong lingkod ng aking programang Isumbong mo kay Tulfo sa pagturo ng mga tiwaling pulis.
Marami kaming mga natatanggap na reklamo tungkol sa pang-aabuso ng mga pulis sa mga inosenteng mamamayan.
Nandiyan yung binabaril sila na wala naman silang kasalanan o kaya binubugbog, o kaya ay inaaresto ng walang dahilan o pinaplantingan ng droga.
Hindi pinapansin ni Dela Rosa ang mga hinaing ng mga inaping mamamayan sa pamamagitan ng Isumbong mo kay Tulfo.
Mas inasikaso niya ang mainterbyu siya sa TV upang mapaganda ang kanyang imahe.
***
Sa kanyang bagong trabaho bilang director ng Bureau of Corrections, ito ang aking mensahe kay Dela Rosa:
Hangga’t hindi mo sinasalvage ang mga tiwaling mga guwardiya sa New Bilibid Prisons na pinapayagan ang mga convicted drug lords na patakbuhin ang mga sindikato ng droga sa labas, hindi titigil ang pagkalat ng droga.
Kung sinalvage mo sana ang mga pulis na dumukot at pumatay ng isang negosyante Koreano sa harap mismo ng iyong official residence sa Camp Crame, sana’y nadisiplina mo ang buong kapulisan.
It would have sent a very clear message that you meant business.
Pero di mo ginawa ang dapat gawin, kaya’t di ka kinatakutan at iginalang ng iyong mga tauhan.