Writer ng GMA sinupalpal ng blogger, pati si Marian nadamay

SUZETTE DOCTOLERO

MAY buwelta ang isang blogger sa aria ni Suzette Something na hindi raw pinahahalagahan ng Bagani ang depiction nila ng babaylan.

On point ang aria ng blogger kaya awang-awa kami kay Aling Suzette.

“Heto’t pinupuna ni Aling Pusit na binababoy raw ng mga writers ng Bagani ang mga babaylan. Dahil ano? Dahil nag-insert ng mga comedic acts?

“Ang pari ba, puro sermon lang? Baliw na ba agad ang imahe n’ya kapag nagpatawa na s’ya?

“Ang doctor ba, kapag nagpatawa, hindi na agad s’ya kapani-paniwala? Bababa ba ang tingin sa kanya ng mga pasyente n’ya kapag nagbiro s’ya?

“Maaaring hindi nakasulat sa mga libro na may nagpapatawang mga babaylan, pero hindi ibig sabihin nu’n e hindi na posible. Ang pagtawa ni Hesus ay hindi binanggit sa Bible; pero hindi ibig sabihin nu’n e never na s’yang tumawa dito sa lupa.

“O, e anong ikinukuda mo d’yan na binaboy ng Bagani ang kasaysayan at kultura? Aling Pusit, may disclaimer po ang Bagani sa simula ng episode nila, ‘di ba?

“Yes, tama ka na bata ang nanonood ng Bagani. Kahit ano’ng palabas pa ‘yan, may mga batang nanonood, lalo na siguro kapag fantaserye ang usapan.

“Pero, how accurate na may kumakanta ng ‘Twinkle, Twinkle, Little Star’ noong ippinanganak si Hesus? (Daig Kayo ng Lola Ko, aired on March 25, 2018).

“How accurate na ‘Daddy Zy’ ang tawag ni Hercules kay Zeus sa Greek mythology? (Daig Kayo ng Lola Ko, aired on April 15, 2018)

“Bakit ginawa mong Spanish-looking ang binukot sa Amaya ni Marian Rivera? Hindi mo rin ba naisip na baka isipin ng mga bata na mala-Espanyol ang ganda ng mga binukot?

“Pero malay nga naman natin sa totoong itsura ng mga binukot, ‘di ba? So, ano ring malay natin sa totoong traits ng mga babaylan na sinasabi mong ginawang katatawanan?

“Historical drama period ang Amaya, hindi ito fantaserye tulad ng Bagani na p’wedeng maglaro sa ibang universe. So, bago ka kumuda, nag-research ka din sana muna nang maayos.

“Writer ka, ‘di ba? Senior writer, sabi mo. So sana, open ka sa lahat ng possibilities na p’wedeng mangyari sa isang kwento—ikaw man ang nagsulat nito o ang ibang tao.”

SUPALPAL!!!

Read more...