Liza kayang patunayan na gentleman si Enrique

LIZA SOBERANO AT ENRIQUE GIL

HINDI nagustuhan ng Bagani lead star na si Liza Soberano ang negatibong komento ng isa niyang follower sa Instagram laban sa ka-loveteam at rumored boyfriend niyang si Enrique Gil.

Nag-post kasi ng video ang leading man ni Liza sa IG kung saan makikitang bumababa ng eroplano ang dalawa. Naunang bumaba si Enrique habang nagsasalita sa video at kasunod naman niya si Liza.

Komento ng isang netizen (@anoi_ing), mas maganda raw sana kung inalalayan ni Enrique ang ka-loveteam, “Kahit na May paa, a gentleman will always always help a lady…. if he forgets then he is not a gentleman.

“It’s a habit na Hindi dapat kalimutan…parang nag mamano sa mga matanda if a person is magalang… that’s my opinion,” sabi pa ng netizen.

Ito naman ang sagot sa kanya ni Liza, “Do not worry i personally asked Quen to not make me ‘alalay’ when going down the jet for the video. Quen is a gentleman, I will always be the first one to testify for him.

“Plus, I’m a strong lady, i can handle myself,” sabi pa ni Liza.

Natawa lang si Enrique nang mabasa niya ang komento ng dalaga sa banat ng netizen.

Samantala, mas umiinit pa ang mga tagpo ngayon sa patuloy na pinag-uusapang primetime serye ng ABS-CBN, ang Bagani na napapanood pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Nagpasalamat din ang LizQuen at ang buong produksiyon ng Bagani sa patuloy na suporta ng madlang pipol sa teleserye na consistent winner din sa ratings game.

Read more...