Isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan sa pagitan Department of Transportation at AFP para sa libreng sakay ng mga sundalo.
Ang kailangan lamang ay ipakita ng sundalo ang kanilang AFP identification card.
Sinabi ni Transportation Sec. Arthur Tugade ang pagbibigay ng libreng sakay ay isang pagkilala sa kahalagahan ng trabaho ng mga sundalo.
“Isa sa pinakamahirap na tungkulin ang maging sundalo. Maliit na pabor lamang ito bilang pasasalamat sa kanilang sakrispisyo at pagmamahal sa bayan,” ani Tugade.
Upang masuklian ang ginawa ng DoTr ang AFP ay magpapadala naman ng ambulance and medical teams upang makatulong sa panahon ng sakuna at emergency.
Noong nakaraang taon, isang MOA ang pinirmahan ng AFP at Light Rail Transit Authority para magbigay ng libreng sakay sa mga sundalo hanggang sa Disyembre 2018 bilang pagkilala sa kanilang sakrispisyo sa Marawi.