Columbian Dyip giniba ang Blackwater Elite


Mga Laro sa Miyerkules
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. Columbian Dyip vs Meralco
7 p.m. Phoenix vs Blackwater

SINANDIGAN ng Columbian Dyip ang bago nitong recruit na si Jerramy King at beteranong si Rashawn McCarthy upang durugin ang Blackwater Elite, 126-98, sa pagbubukas ng 2018 PBA Commissioner’s Cup Linggo sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Kilala bilang dating KIA Picanto, tila naging suwerte ang pagpapalit ng pangalan ng koponan sa pagbabago nito ng kalidad ng laro kumpara sa ipinamalas sa nakaraang PBA Philippine Cup sa pagtala ng malaking abante upang sandigan nito tungo sa pagpantay sa tangi nitong itinalang panalo sa nakaraang kumperensiya.

“We want some change in the point guard and we search on the free agency and luckily found Jerramy (King),” sabi ni Columbian coach Ricky Dandan.

Ipinamalas naman agad ni King ang kanyang kalidad at husay sa paglalaro matapos makuha sa free-agent market sa pakikipagsabwatan kay McCarthy upang itulak ang Dyip sa pinakauna nitong panalo sa pagsisimula ng isang kumperensiya.

Nagtala si King ng 30 puntos, 7 rebound at 4 assist habang si McCarthy ay may 22 puntos, 4 rebound at 6 assist upang punuan ang hindi impresibong paglalaro ng import na si Charles Aiken na nakapagtala lamang ng 9 puntos, 22 rebound at 4 assist.

“We hope that our import could show he can matchup against other big imports. Our locals did more of matching up with the imports especially in our next match. We will play three matches in a week and it will be a test for him. I also expected the game more of a grind than anything else, but our guys showed their energy, and that’s one change that we welcome,” sabi pa ni Dandan.

Nag-ambag naman si Carlo Lastimosa ng 14 puntos habang sina Eric Camson at Ronald Tubid ay may tig-12 puntos.

Nagawa naman ng Dyip itala ang pinakamalaki nitong 30 puntos na abante matapos na umiskor ng kabuuang 39 puntos sa ikaapat na yugto kumpara sa nagawa lamang na 26 puntos ng Elite.

Read more...