Bong, Jinggoy bibida sa ‘Kosa’, balak ilaban sa 2018 MMFF


LOOKING forward na ang fans and supporters sa paglabas ni former Sen. Bong Revilla Jr. sa PNP Custodial Center sa Camp Crame. Mismong si ex-Sen. Jinggoy Estrada ang nagbalita sa paglaya ng kanyang matalik na kaibigan next month.

Nami-miss na rin kasi talaga si Bong ng fans niya at iba pang kasamahan sa industriya ng showbiz. Kaya naman kahit nasa loob ng PNP Custodial Center ay ‘di nawawalan ng kwento si Bong para sa unang pagsabak niya sa pelikula.

Isa na riyan ang pelikulang pagsasamahan nila sa unang pagkakataon ni Jinggoy. Diumano, “Kosa” ang magiging titulo ng first movie nila together.

We heard, sila rin ang magpo-produce nito at balak ding ipasok sa 2018 Metro Manila Film Festival.
True-to-life ang dating ng title na “Kosa”, ‘di ba? Maging sa personal na buhay kasi ay talagang magkaibigan sila. Sabi nga ni Jinggoy sila na ni Bong ang bagong Fernando Poe Jr. at Joseph Estrada.

Speaking of Manila Mayor Joseph Estrada, maugong ang balita na ang anak niyang si Jinggoy ang sasabak sa susunod na halalan. Last term na raw kasi ni Erap bilang Mayor ng Manila.

Kapag nagkataon, magbabanggaan sa susunod na local election bilang Mayor ng Maynila sina Jinggoy, Manny Villar, Lito Atienza at Isko Moreno.

Read more...