Hugot ni Edward kay Maymay: Mabaho ang bibig mo paggising…pero wala akong pakialam!

EDWARD BARBER AT MAYMAY ENTRATA

MULING pinakilig nina Edward Barber at Maymay Entrata ang madlang pipol nang mag-guest sila sa Tonight With Boy Abunda nitong nagdaang Biyernes.

Pinag-usapan ng milyun-milyong MayWard fans ang naging pahayag ni Edward tungkol sa estado ng relasyon nila ni Maymay, lalo na nang tanungin siya kung ano ang limang bagay tungkol sa kanyang ka-loveteam na maaari niyang ibahagi sa publiko.

Tugon ni Edward, “Mabaho ang bibig mo pag bagong gising ka pero wala akong pakialam. At mahilig din siyang maligo.”

Pagpapatuloy pa ng binata, “Mahilig siya sa oversized clothes kung sa bahay lang at mahilig siyang kumain ng sweets at ayaw niya ng gulay.”

Dugtong pa ng Kapamilya young actor, “She doesn’t like people protecting her kasi matapang siya at matigas yung ulo niya but that’s what makes her who she is.”

Tungkol naman sa current status ng kanilang relasyon. “We’re partners in crime on the way to soulmates. Ayaw ko ng just friends, because she is one of the most important and most influential persons in my life.”

Read more...