ANGELICA inasar si JOHN LLOYD, b-day party pinuno ng alak

Kapansin-pansin ang birthday cake ni John Lloyd Cruz sa ibinigay na party ni Angelica Panganiban para sa actor recently.
Okay na sana ang cake kaso meron itong kasamang local brand ng beer.

At ang isa pang nakakaloka, meron itong tila icing na katulad ng isang lalaking tila nalasing sa alak. Meron din itong vodka na nasa ibabaw ng cake. Sino kaya ang nag-design ng cake ni John Lloyd? Bakit kaya ganito ang kinalabasan.

Of course, si Angelica ang may pakana ng lahat dahil pa-birthday niya ito sa kanyang dyowa. Kaya lang, sana ay pinag-isipan niya muna ang design ng cake dahil aware naman siguro siya na may issue sa actor-boyfriend niya na mahilig uminom ng alak.

With what she did ay parang si Angelica pa ang nagbuking na mahilig talaga sa alak itong si John Lloyd. O baka, naman gusto niya lang asarin si Lloydie?.

Read more...