Ricky Reyes, TESDA, NHA sanib-pwersa para sa utos ni Digong


NON-STOP ang trabaho ni Mother Ricky Reyes sa sinimulan niyang livelihood advocacy na “Isang Gunting, Isang Suklay lalo na ngayong nagsanib-puwersa na ang TESDA (Technical Education and Skill Development Authority) at NHA (National Housing Authority) sa pagsisimula ng bago nilang project na “2DMax Angking Galing Mobile Livelihood Caravan.”

Sa proyektong ito, target nilang mabiyayaan ang 4,200 beneficiaries mula sa tinawag na poorest of the poor ng society na nakatira sa iba’t ibang relocation sites ng NHA. Katuwang ni Mother Ricky sa project na ito sina TESDA Secretary General Guling “Kuya Gene” Mamondiong at HNA General Manager Marcelino Escada, Jr..

Ito’y bilang tugon na rin sa instructions ni President Rodrigo Duterte na itaas ang kabuhayan ng mahihirap nating kababayan.

“Kaya nagsanib-puwersa na ang TESDA at NHA, dadalhin mo na ‘yung livelihood doon para magkaroon na sila ng hanap-buhay.

“Para sa akin, ang totoong sagot sa poverty ay livelihood lang. Kasi kung binigyan ka ng bahay ng NHA, wala ka namang hanapbuhay, kakain ka araw-araw, pag may nagkasakit, magbabayad ka, tapos ang pag-aaral pa ng mga bata, lahat poi to ay problema.

“Pero kung may livelihood na tinuruan ng TESDA, meron na siyang hanap-buhay!” bahagi ng speech ni Mother Ricky.

Ang mga beneficiary ng proyektong ito ay ang mga kababayan natin na galing sa relocation sites sa Caloocan, Mandaluyong City, Quezon Coty, Manila, Navotas Coty Montalban, Pasig, Pasay, Muntinlupa at San Jose de Monte, Bulacan.

Ang grand launch ng project ay magaganap sa Mayo 8, 2018 sa Smokey Mountain.

Read more...