Maine, Julia, Gabbi nagpaka-fan girl kay Cole Sprouse; may libre pang ‘pa-hug’


KUMAWALA muli sa pagiging Phenomenal Star si Maine Mendoza sa naganap na Meet & Greet ng Riverdale at global endorser ng local clothing brand na si Cole Sprouse.

Sa kanyang Instagram, nag-post si Maine ng photo ni Cole at nilagyan ng caption na, “Expectation vs. Reality @benchtm #noshamephotoop #Ben!!!” Aba, hindi rin siya nagpatalbog sa ilang female stars na magkaroon ng picture kasama si Cole, huh!

Hindi lang kasi si Meng ang nagpaka-fan girl sa Riverdale star. Join din si Gabbi Garcia sa kinilig at may pa-hug pa sa Hollywood star na kanyang ipinagmalaki sa kanyang IG. May payakap photo rin siya kay Julia Barretto!

May mga kuha rin kay Cole sina Claudia Barretto, Leila Alcasid at Juliana Gomez na buong pagmamalaki nilang ipinost sa kanilang social media accounts.

Huling nagpaka-fan girl si Meng nang dumating sa bansa ang foreign concert artists na Lany at The Script.

Read more...