MARAMING nanghuhula na mabilis ding magkakahiwalay ang isang young actor at ang isang young actress na akala mo mangga at bagoong na hindi naghihiwalay kapag nasa pampublikong lugar.
Hindi sila nahihiyang magparamdam ng pagmamahalan, malambing si girl at mainit din si lalaki, bagay na bagay sila.
Pero maraming nakakapansin na under ng girl ang kanyang boyfriend. Kapag nagtatampo ang babae ay hindi na malaman ng young actor ang gagawin, nagmumukha siyang ewan, pagpansin ng mga taong palaging nakapaligid sa kanila.
Kuwento ng isang source, “Naku, take note, hindi magtatagal ang dalawang ‘yun dahil under na under ni girl ang boyfriend niya! Kapag ayaw siyang kausapin, nagmumukhang nganga si lalaki.
“E, maldita pa naman si girl, kung ano ang gusto niyang gawin, go lang siya nang go! Kesehodang mapahiya pa ang boyfriend niya, e, deadma lang si girl, mahihirapan ang batang ‘yun na tagalan ang ugali ng girlfriend niya!” sabi nito.
May mga pagkakataon din pala na kahit pabiro lang ay binabatukan ng girl ang kanyang boyfriend, ilang beses na nitong ginagawa ang ganu’n sa harap ng mga katrabaho nila, ang lalaki pa ang nagtatanggol sa girl.
“Pampered sa lalaki ang hitad na malditang girl! Nagbibiruan lang daw kasi sila, kaya kung minsan, e, pumapayag siyang batukan na lang ng girlfriend niya!
“Siya pa ang nagdedepensa sa girlfriend niya para hindi na lang siya mapahiya, pero ang totoo, sumasama ang loob ni ____ (pangalan ng young actor) kapag ganu’n dahil napapahiya siya, siyempre!
“Naku, kundi dahil sa trabaho nila, e, matagal na sigurong nakipagkalas ang lalaking ‘yun sa maldita niyang girlfriend, pareho lang kasi nilang pinagkakakitaan ang sitwasyon nila, e!” nakairap na pagtatapos ng aming source.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo kung sinu-sino ang bumibida sa kuwentong ito, good ba para sa inyo ang ganu’n?