Barangay Ginebra Gin Kings nagpalit ng import

 

BARANGAY Ginebra Gin Kings head coach Tim Cone

NAGDESISYON ang Barangay Ginebra Gin Kings na magpalit ng kanilang import ilang araw bago magsimula ang 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Ito ang sinabi ni Barangay Ginebra head coach Tim Cone Biyernes matapos na pauwiin ng Gin Kings si Shane Edwards kapalit ng big man na si Charles Garcia.

“We’ve decided to make a change in import,” sabi ni Cone sa kanyang text message. “We’re bringing in a
6-foot-10 big man in Charles Garcia who will arrive Saturday evening.”

Ang 29-anyos na si Garcia ay huling naglaro sa Austin Spurs sa NBA G-League noong 2016-17 season kung saan nag-average siya ng 13.67 puntos, 5.22 rebound at 1.14 assist.

Siya ang magbabantay sa shaded area para sa Gin Kings habang nagpapagaling si Greg Slaughter mula sa natamong ankle injury.

“He’s a player I have scouted in the past,” sabi ni Cone.

Nakakagulat naman ang pagkakaalis sa balik-import na si Edwards na nakasama ng Barangay Ginebra sa kanilang preseason buildup.

“When we first contracted Shane Edwards, we believed Greg would be healthy and available to play, and Shane could play alongside him,” dagdag pa ni Cone. “But with Greg’s injury, we feel that we need someone to replace Greg rather than play alongside him.”

Balak naman ng Gin Kings na ibalik si Justin Brownlee sa huling bahagi ng kumperensiya kapag natapos na ang obligasyon nito sa San Miguel Alab Pilipinas sa 2018 ASEAN Basketball League.

Bubuksan ng Barangay Ginebra ang kanilang kampanya sa Commissioner’s Cup kontra Rain or Shine Elasto Painters sa Abril 29.

Samantala, nagpalit rin ng import ang NLEX Road Warriors matapos kunin si Adrian Forbes bilang kapalit ni Arnett Moultrie.

Sinabi ni Road Warriors coach Yeng Guiao na nagdesisyon ang koponan na magpalit muna ng import dahil sa pagkaantala sa pagdating ni Moultrie sa bansa.

“Our biggest problem is our import couldn’t come in time, so we’re hoping the substitute will come in tomorrow so we can practice with him by Sunday afternoon. We’ll use that rest of the time to just acclimatize him and jell him with the team until our Saturday game,” sabi ni Guiao.

Read more...