‘Nabagoong si Ryza sa GMA, tama lang na lumipat siya sa ABS!


TINAWAG na ingrate si Ryza Cenon for moving out of GMA 7, the number two network and transferring to ABS-CBN, the true number one network.

Kung lahat ng lumilipat ng network ay tatawaging ingrata, baka mangalahati lang mga hindi ingrata sa showbiz.

Anyway, ipinagtanggol naman si Ryza ng ilang fans.

“Panung naging INGRATA? Nasa showbiz sya so expect na may lipatan na mangyayari. And bagay syang maging Valentina.”

“Kailan pa ba yun startruck na sinalihan nya? More than 10 yrs ago. Now lang nag serye kontrabida pa. Tagal din niya nagtiyaga sa GMA. Hindi ko masisisi si Ryza kung lumipat siya. Masyado siya na bagoong sa GMA.”

“Matagal ng wala contract si Ryza sa GMA buti nga nagtyaga sya na ganun kaya di tama tawagin sya ingrate.”

“Ryza is a very promising actress. And I dont think she’s ingrata in the business. For me it a very good move if she transfer in abs.”

Read more...