NANGUNA si Sen. Grace Poe sa senatorial survey na isinagawa ng Pulse Asia.
Sa tanong kung sino ang ibobotong senador, nakakuha si Poe ng 70.8 percent.
Pumangalawa naman si Sen. Cynthia Villlar na nakapagtala ng 55.6 porsyento at sinundan ni dating senador at ngayon ay House Deputy Speaker Pia Cayetano ng Taguig City na nakakuha ng 53.8 porsyento.
Sumunod naman si Sen. Nancy Binay (45.8 porsyento) at panglima si Sen. Sonny Angara na may 44.9 porsyento.
Pang-anim naman si Davao City Mayor at presidential daughter Sara Duterte (43.8 porsyento), na sinundan ni Senate President Koko Pimentel (39.8)
Sumunod sina dating Sen. Sergio Osmena (38 porsyento), mediaman na si Erwin Tulfo (36.7), dating Sen. Lito Lapid (33.8), dating PNP chief at ngayon ay Bureau of Corrections chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa (33.1).
Pang-11 naman si dating Sen. Jinggoy Estrada (32.8) at pasok sa magic 12 si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos (32.2).
Pang-13 naman si Sen. Bam Aquino, pinsan ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III na nakakuha ng 30.5 porsyento na sinundan ni Sen. JV Ejercito (29).
Sumunod naman ang aktor na si Robin Padilla (26.2), Quezon City Mayor Herbert Bautista (26.2), media man na si Ted Failon (25.6), dating Sen. Mar Roxas (25.4), dating Sen. TG Guingona (17.5), aktor na si Dingdong Dantes (16.8), Valenzuela Mayor Rex Gatchalian (16.7), dating MMDA chairman Francis Tolentino (14.6), dating DENR Sec. Gina Lopez (14.0), dating Manila Vice Mayor Isko Moreno (13.9), PAO chief Persida Acosta (12.8), House committee on appropriations chairman Karlo Nograles (10.6), Presidential spokesman Harry Roque (8.7), Presidential Communication Operations Office chief Martin Andanar (8.4), Leyte Rep. Lucy Torres (8.1), Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay (8.0), dating Leyte Rep. Martin Romualdez (7.9), dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares (7.0), Cebu Rep. Gwen Garcia (6.7), dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre (6.2), Special Assistant to the President Bong Go (5.9), House Majority Leader Rudy Farinas (5.7), Negros Occidental Rep. Albee Benitez (3.7), Atty. Lorna Kapunan (3.2) at Oriental Mindoro Rep. Rey Umali (2.8).
Ang iba pang pangalan ay mas mababa na sa 2.8 porsyento ang nakuha.
Ginawa ang survey mula Marso 23-28 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents. Mayroon itong error of margin na plus/minus 3 porsyento at 95 porsyentong confidence level.
No Matter How Bad Yesterday Was,
It Is Now Part Of The Past