Horoscope, April 20, 2018 | Bandera

Horoscope, April 20, 2018

Madam Sophia |April 20,2018
facebook
share this

Horoscope, April 20, 2018

Madam Sophia - April 20, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Simulan sa pasasalamat at pagsisimba ang araw na ito. Sa ganyang paraan, lalo kang susuwertehin at magkakaroon ng magandang kapalaran. Sa pag-ibig sa piling ng isang Virgo na sadyang nagpapaligaya sa iyo, mas mainam i-celebrate ang iyong kaarawan. Mapalad ang 7, 18, 22, 27, 36, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Green at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Mahina ang iyong loob kaya mabagal ang pag-unlad. Panahon na upang palakasin ang loob sa larangan ng materyal na bagay ituloy ang matagal ng binabalak na negosyo. Sa pag-ibig, isang payat na nilalang ang aalialigid sa iyo. Mapalad 5, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Malka-Tetra-Om.” Blue at green ang buenas.

Taurus – (April 20- May 20) — Hindi masarap ang buhay kung walang pag-ibig. Upang kumita ng malaking halaga, kailangang lagi kang in love. Mamayang gabi ulit-uliting ibulong sa kasuyo ang mahiwagang salitang “ I Love You So Much.” Mapalad ang 5, 13, 18, 27, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Mandala-Om.” Silver at purple ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Wag kang babagal-bagal dahil ang pagmamadali ang susi ng tagumpay. Basta tungkol sa pagkakaperahan bilisan at gawin mo na agad. Sa pag-ibig, kapag may dumating na relasyon – sunggab agad ang dapat! Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Om-Ketum.” Blue at red ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Huwag umasa sa pangakong salapi na hindi mo pa hawak! Sa pag-ibig, kung wala na talagang masasandalan, ang kasuyong Capricorn pa rin ang lubos na maaasahan. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 29 at 34. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Malka-Tetra-Om.” Green at white ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Lagi kang hahanapan ng butas, lapitin ka kasi ng intriga! Huwag mo silang intindihin, ang mahalaga, marami kang pera, kahit na maraming naiingit sa iyo. Sa pag-ibig, bastat kasama mo siya, areglado ang buhay mo. Mapalad ang 1, 4, 13, 22, 31, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath-Tah-Om.” Orange at lilac ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Hindi puwede ang puwede na! Panahon na upang ibigay ang “the best” sa lahat ng iyong ginagawa. Sa pag-ibig, hindi pwedeng kiss lang, kailangang mas may higit pa sa halik. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 36, ar 48. Mahiwaga mong mantra: “Yara-Salve-Me-Om”. Pink at purple ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Sa pag-ibig, tanggapin ang alok ng kasuyo na pamamasyal sa malayong lugar – minsan-minsan lang yan, higit lalo kung siya naman ang taya. Sa pinansyal tuloy-tuloy ang pasok ng salapi at kailangangan din namang wag ka nilang mauutakan, ikaw ang dapat na mang-utak! Mapalad ang 6, 12, 21, 33, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Namo-Om.” Magenta at violet ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Magtabi ng pauti-unting pera, upang kapag may nangutang may maipahiram ka. Sa pag-ibig, wag kang gagastos, hayaan mong matutong “bumunot” ang kasuyong kuripot. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om”. Green at red ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Wag masyadong magpa-sexy, dati ka ng maganda! Kapag lalo ka pang nagpaganda, may darating na tukso na sa bandang huli’y pagsisihan mo lang. Tandaang higit na mas maligaya ang buhay kung ikaw ay simple lang, pero rock. Mapalad ang 3, 15, 24, 32, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agara-Om”. Pink at lilac ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Hindi sapat ang sipag at tiyaga kung hindi mo hahaluan ng pag-ibig at pakikipag-kapwa-tao. Kahit na medyo angat na ang iyong kabuhayan, pilitin mong maging mabait pa rin sa mga taong mas mababa sa ‘yo, upang lalo kang pagpalain ni Lord. Mapalad ang 2, 11, 20, 29, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Saguna-Om-Satura.” Green at white ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Akala mo ba’y masaya ka ngayon, ko mo’t marami kang pera? Hindi kaya! Aanhin ang salapi, kung wala namang true love? Ipamigay ang lahat ng iyong tinatangkilik at mamuhay ka ng simple lang. Sa ganyang paraan matatagpuan mo na ang tunay at wagas na kaligayahan. Mapalad ang 4, 15, 23, 43, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kali-Guya-Kali-Guya-Om.” Yellow at red ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Kung ano-ano kasi ang ginawa mo, kaya mas maraming sablay! Isang gawain lang ang dapat ipatupad sa isang saktong panahon. Sa pag-ibig, tama ang ginagawa mo, mag-concentrate sa kasuyong Cancer, sa kanya ka higit na liligaya. Habang sa negosyo tutukan ang produktong may kaugnayan sa pagkain at iba pang basic needs ng mga tao. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 33, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Am-Agiel-Om-Ophiel.” Purple at magenta ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending