Dalian train ng MRT titimbangin ulit

MULING titimbangin ang 48 bagon ng Dalian train para malaman kung maaari itong magamit sa Metro Rail Transit 3.

Ayon kay Transportation Undersecretary TJ Batan ito ay bahagi ng isinasagawang audit ng TUV Rheinland sa mga Dalian trains na binili ng Aquino administration subalit hanggang ngayon ay hindi pa nagagamit.
“The audit of the Dalian Trains by TUV Rheinland is ongoing, and part of that audit is a series of weight-related processes. Following prudent industry practices, these processes are being witnessed by TUV Rheinland, DoTr’s ADB and Australian Aid technical advisers, and DOTr and MRT-3 Management,” ani Batan.
Bukas isasagawa ang pagtitimbang. Ito ang unang pagkakataon na isasagawa ang pagtitimbang sa bansa. Una ng tinimbang ang mga tren sa China noong 2015 at walang opisyal ng Department of Transportation na nakasaksi rito.
“The weight testing involves a series of steps from installation of the weighing equipment, calibration, weighing of empty trains, weighing of fully loaded trains, data analysis, and audit report generation by TUV Rheinland.”
Kung mabigat ang Dalian train ay maaapektuhan nito ang riles ng sistema.
“Let us please avoid preempting the completion of this process so the public is not exposed to inaccurate and incomplete information.”

Read more...