MALAPIT nang magbukas uli ang Bahay Ni Kuya para sa bagong season ng Pinoy Big Brother.
Sa nakaraang presscon ng bagong horror-comedy movie ng Star Cinema na “Da One That Ghost Away”, natanong ang magka-loveteam na sina Maymay Entrata at Edward Barber kung ano ang maipapayo nila sa bagong batch ng housemates ni Kuya. Si Maymay ang tinanghal na Big Winner sa nakaraang PBB Lucky Season 7 habang fourth Lucky Big Placer naman si Edward.
Sabi ni Edward, “Ang advice ko sa aspiring housemate, magpakatotoo lang kayo. Kasi, sa Bahay ni Kuya, sa sobrang pressure, sa sobrang stress, if you’re pretending to be someone else, lalabas yung totoong sarili mo.
“For example, you want to be transparent. So kayo, kung sino kayo, don’t be shy. Be proud of who you are. If you pretend to be someone else, maybe we won’t see something in you. Magpakatotoo!” dugtong ng binata.
Sinang-ayunan naman ito ni Maymay, “Yun kasi ang pinakamahalaga, ang ipakita mo sa mga tao at sa mga kapwa mo housemates kung ano ka talaga. Tsaka tatag ng loob, at pakikisama po.”
Natanong si Edward kung may nagbago kay Maymay after ng PBB at ngayong sikat na ito? “Wala naman, promise! Si Maymay, baliw pa rin, mabait pa rin.”
“Nakakahawa yung kabaliwan niya. Kung low batt ka and you’re low in energy, gusto mo nang umuwi,” aniya pa. Dagdag pa ni Edward, si Maymay raw ang nagsisilbing powerbank niya kaya kapag ang dalaga raw ang malo-low batt, “Naku, patay tayo! Pero never siyang na-low batt.”
Samantala, hindi naman nape-pressure si Edward na ligawan si Maymay na siyang gustong mangyari ng ilan sa MayWard fans, “We’re very secure about us. For example, they (MayWard fans) see us, sinasabi nila, ‘Edward, don’t push yourself. Don’t be stressed. Don’t think too quickly. May oras pa kayo,’ parang ganu’n. They understand.”
May mga nagsasabi na binabakuran na raw niya ang ka-loveteam para walang ibang lalaking makalapit dito, depensa naman ni Edward, “People might misunderstand my actions sometimes.
“I could say na protective ako kay Maymay. But it’s because alam ko you’ll never know who’s who at kung totoo yung ugali. So sometimes, you cannot generalize, but we always have to be careful, lalo na sa simula.
“Siyempre, we know each other better. We know ourselves kaya palagi rin kaming cautious,” pahayag pa ng binata.