Member ng Belladonas naging GF ng actor-politician

BELLADONAS

CHLOE of the newly-launched sing and dance female group, Belladonas, became controversial when she answered a query kung naging dyowa niya si Bulacan Vice Mayor Daniel Fernando.

“Matagal na po ‘yon so move on na tayo,” say ni Chloe. She admitted she was 17 when they entered into a romance.

The group was asked kung sino ang naging inspirasyon nila sa pagpasok sa showbiz. All of them answered na ang family nila ang kanilang inspiration.

“Ang inspirasyon ko po ay ang nanay at tatay ko na nasa Mindoro. Nagpursige po ako. Bukod sa nag-aaral ako nagkaroon ako ng time management para sa workshop at pag-aaral ko,” say ni Xie.

“Parents ko po kasi lahat naman tayo siguro ay nagsimula sa magandang estado ng buhay. Pangarap ko po ito talaga na papasukin ko ang showbiz. Nag-home study po ako kasi hindi ko kayang pagsabayin,” say ni Phoebe.

“Inspirasyon ko ang family ko kasi ‘yung mommy ko dati naging entertainer siya. My siblings are also talented pero parang hindi nila na-achieve ‘yung ganito,” sagot ni Rie.

“Si mommy and si daddy, sila ang nag-push sa akin. Siguro they saw something on me,” said Quinn.

Si Chloe ay nagsabing inspired siya sa daddy niyang si Joey Nicolas na naging artista noong araw.

For Jazzy, being an only child, she wanted her family to be proud kaya naman “noong bata pa ay nagpe-perform na ako sa mga reunion”.

Si Stiff ay inspired sa Mama niya, “Siya ‘yung nag-motivate sa akin kais hindi pa ako ganoon ka-talented.”

Before that, nagsayaw ang Belladonas at nag-perform ng kanilang single na “Enjoy & Ride”.

Read more...