Horoscope, April 19, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Sa araw na ito ipinagkaloob na sa iyo ng langit ang magandang kapalaran na nagsasabing sa pamamagitan ng kapangyarihan yayaman ka. Sa pag-ibig, tuloy ang makuloy at msasarap na pakikipag-relasyon. Mapalad ang 1, 4, 13, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.” Gold at purple ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Mas madaling umuunlad ang isang Aries kung pananatiliin ang pagiging isip bata. Sa pinansyal, habang umiinit ang panahon tuloy-tuloy ang pagangat ng kabuhayan. Sa pag-ibig, bagay na bagay sa iyo ang kasuyong Sagittarius. Mapalad ang 3, 21, 36, 38, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Savitra-Om.” Violet at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Anoman ang iyong binabalak, wag umasa sa pangako, mapu-frustrate ka lang. Hanggat hindi pa hawak ang pera, hindi ka dapat pumanatag. Sa pag-iibig, wag mo rin namang pangakuan ang iyong kasuyo na hindi mo naman tinutupad. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Sutra-Om.” Red at beige ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Pumapangit talaga ang tao! Pagtsagaan ang kasuyong nagkakabilbil at lumaki na ang tiyan! Konting exercise pa, muling i-slim ang pangangatawan. Sa pag-ibig tuloy ang masarap na pakikipag-relasyon sa isang Aquarius. Mapalad ang 1, 8, 10, 29, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yantara-Pad-Meh-Om.” Blue at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Mas madaling uunlad ang isang Cancer kung pananatiliin ang pagmamahal sa pamilya. Laging isaisip ang kinabukasan ng pamilya upang yumaman. Sa pag-ibig, upang umunlad at lumigaya humanap ng kasuyong Capricorn. Mapalad ang 2, 11, 16, 25, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arjuna-Garuda-Om” Green at beige ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — “Sun” ang ruling planet ng mga Leo na tulad mo, kaya nga’t basta’t lagi mong inunahan sa pagising ang haring raw mas madaling uunlad ang iyong buhay. Sa pag-ibig, bukod sa Sagittarius, ka-compatible mo rin ang isang Aries. Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 46 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Savitra-Udatta-Om.” Yellow at peach ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Ikilos mo lang lagi at ipatupad ng walang alinlangan ang lahat ng binabalak mo, nakalista na ang iyong pangalan sa mga taong uunlad at yayaman. Sa pag-ibig, tuloy ang masarap na pakikipagrelasyon sa isang Libra. Mapalad ang 5, 9, 14, 18, 32, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Om.” Sky blue at gold ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Wag matakot na tumaba at bumilog ang pangangatawan, dahil habang nagiging-chubby ang isang Libra lalo siyang yayaman. Sa pag-ibig, ayos lang ang mataba pero wag namang magpaka-lumba-lumba, dahil baka iwanan ka nang kasuyong Virgo. Mapalad ang 6, 18, 22, 29, 35, at 44. Mahiwga mong mantra: “Ubur-Minna-Galla-Om”. Red at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Higit na yumayaman ang isang Scorpio kung pananatiliin ang mahabang buhok. Sa pag-ibig, humanap ng kasuyong mahaba ang buhok, o balbon ang balahibo – sa kanya ka makakatikim ng masarap na romansa at kumpletong ligaya. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at beige ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa pinansyal, lilipas din ang problema sa salapi at pagkatapos, uunlad ka na uli. Sa pag-ibig, sa isang malayong pook mabubuo ang isang matamis at masayang pag-iibigan. Mapalad ang 6, 17, 23, 26, 34 at 39. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yasoda-Dosya-Om.” Green at red ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Unahin lagi ang mga gawaing may kaugnayan sa kabuhayan. Sa ganyang konsepto ng isipan, mas madali kang uunlad at yayaman. Sa love life, wag ng sariwain pa ang mga nakaraang kalungkutan, mag-move on ka na ngayon upang habang buhay ng lumigaya. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Venit.” Yellow at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Kahit malungkot ang buhay, hindi ka dapat magpa-epekto sa mga kasalukuyang pangyayari. Ituloy ang ugaling, “walang paki-alam” sa ganyang paraan, mas madali kang uunlad at yayaman. Sa pag-ibig, ang pagiging sobrang romantic at sobrang emosyonal ang magdudulot ng kabiguan. Mapalad ang 2, 11, 29, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ananda-Magra-Om.” Beige at green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Upang umunlad ang isang Pisces kailangang lagi siyang magdasal. Taimtim na manalangin sa araw at gabi upang mas madali kang umunlad. Dasalin mo rin siyempre sa Maykapal na sanay yumaman ka na at patuloy na umunlad at lumago pang lalo ang kabuhayan. Sa pag-ibig, laging yayain ang kasuyo sa simbahan at iba pang bahay dalanginan. Mapalad ang 3, 7, 13, 25, 33, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Regama-Om.” Violet at white ang buenas.

Read more...