Gatchalian may banta sa Grab

NAGBABALA si Sen. Sherwin Gatchalian sa Grab Philippines na mahaharap sa imbestigasyon ng Senado o mapapatawan ng suspensyon ng operasyon nito sakaling patuloy ang mga reklamo laban dito.

“Maraming reklamo at nakakadismaya yung ipinapakita ng Grab dahil it boils down to transparency at hindi sila transparent dun sa mga sinisingil nila,” sabi ni Gatchalian.

“Dapat ang Grab, huwag nilang hintayin na sitahin sila. Napapansin ko kasi gagalaw lang sila kung nasita, magkokorek lang sila kung nahuli, hihingi ng apology pag nahuli pero kung walang umangal tuloy ang pang aabuso, which is not correct,” dagdag ni Gatchalian.

Idinagdag ni Gatchalian na hindi dapat abusuhin ng Grab ang oportunidad na ibinigay dito, lalu na ngayong may monopolyo ito sa ride-hailing industry sa bansa.

Sinabi pa ni Gatchalian na marami nang nagrereklamo sa operasyon ng Grab matapos bilhin ang Uber.

“Dito natin makikita na nagkakaroon na ngayon ng monopolistic behavior, ibig sabihin, pang aabuso na itong nangyayari,” sabi ni Gatchalian.

Ito’y sa harap naman sa kaliwa’t kanang reklamo laban sa Grab, partikular ang P2 kada minutong karagdagang sinisingil sa mga pasahero nito.

“Thats why itong Grab eh ayusin rin nila yung kanilang operation at ipakita sa taumbayan na itong merger ay mas mabuti sa kanila. Kung hindi, nasa kapangyarihan din natin na imbestigahan sila and at the end kung talagang aabuso sila, pwedeng ihinto na yung kanilang operation at bigyan ng pahintulot yung iba na pumasok kaagad,” dagdag ni Gatchalian.

Read more...