Ryza mapapalaban sa Probinsyano ni Coco


MATAPOS pumirma ng kontrata ang dating GMA artist na si Ryza Cenon, mapapanood na agad siya sa primetime series ni Coco Martin na FPJ’s Ang Probinsyano.

Base sa litratong nakita namin sa social media, magiging bahagi si Ryza ng pamilya nina Dawn Zulueta at Rowell Santiago na gumaganap na First Lady at Pangulo ng Pilipinas sa serye. Sa isang litratong nakita namin, kasama rin nila ang child star na Heart Ramos at Francis Magundayao.

Ito ang kauna-unahang proyekto ni Ryza sa Kapamilya Network matapos niyang iwan ang GMA. Bago ito, in-announce rin ng Dreamscape Entertainment na makakasama rin si Ryza sa bagong series na The General’s Daughter na pagbibidahan nina Angel Locsin at Maricel Soriano.

Bukod kay Ryza, mapapanood na rin matapos ang ilang taong pamamahinga sa pag-arte si Jolo Revilla sa Ang Probinsyano.

Sa nakita naming photo, mukhang gaganap ang boyfriend ni Jodi Sta. Maria bilang member Presidential Security Group (PSG).

Read more...