Tradisyon nga ang caroling sa kapaskuhan, pero hangga’t sa kalye ba ay meron pa rin nito? Di dapat. Kaya nga may mga batas na binalangkas na.
Pero, meron pa ring nangangaroling at di alintana ang peligro na nakatanghod anumang saglit.
Paano ba matitigil ito? May paraan ka ba?
May mga nagsabi na kailangang ipatupad ang batas. Pero, wala naman daw nagpapatupad ng batas. Wala raw ngipin ang batas, pero hindi naman nilalagyan ng “ngipin.”
May mga pangyayari na rin, lalo na sa Maynila, na kunwari’y nangangaroling sa kalye, lalo na sa gabi, pero nanghoholdap at nanghahablot pala. Ipinapain ang mga musmos, pero naghihintay lang pala ng tiyempo ang nakasunod na matatanda.
Kailangang matigil na ito. Bahaginan mo naman kami ng iyong nalalaman para matigil na ito at maging ligtas ang mga lansangan para sa lahat.
LITO BAUTISTA, Executive Editor
BANDERA, 121709