Nain-love, nabuntis, iniwan ng boyfriend

MAGANDANG araw Ateng Beth.

Isa po akong high school student na maagang na-in-love, nabuntis, at hiniwalayan. Dahil diyan ay natigil ako sa pag-aaral at imbes na maka-graduate ngayong taon, ay yung anak kong 2-buwan ang edad ang inaasikaso ko nang solo.

Ayaw po kasi nung dati kong BF na panagutan yung baby namin. Si mama lang ang bumubuhay sa amin, pero nahihiya rin ako sa kanya.

Gusto kong magtapos ng pag-aaral at makahanap ng trabaho para sa future ng baby ko. Totoo pala sabi ng mama ko, hindi mahirap ang magkaanak lalo kung solo ka. Solo rin kasi siyang bumuhay sa akin.
Ateng Beth, paano ko ba malalampasan ang sitwasyon ko ngayon, ayaw kong maging pabigat sa mama ko? Tulungan mo ako. Salamat po.

Czarina, Baguio City

Ay naku naman, Ineng!

Kailangan pa talagang magap-jontis at dumaan sa hirap bago makinig sa magulang?!

Di ka ba natuto sa aral ng buhay ninyong mag ina?! Sana naman pinangarap mo, bilang alam mo kung paano ka pinalaki mag-isa ng nanay mo, na maiba ang drama mo sa buhay para sa magiging anak mo.

Sana naging leksyon na sa iyo na napakahirap mong palakihin! Pero yun pa talag ang tinahak mong landas, no? Tigas din ng ulo mo!

Anyway, tapos na yan, sana nga lang ay nagsilbing malaking aral sa iyo iyan (Haist, pero gusto ko pa rin kitang konyatan, I swear! at maiganti ko lang ang nanay mo sa sakit ng kaloobang idinulot mo sa kanya.)

So gusto mong magtapos ng pag-aara at makapagtrabaho? Sorry to say, iha, hindi mo yan magagawa sa ngayon. Ang role mo ngayon ay alagaan muna ang anak mo. Medyo palakihin mo muna sya ng konti.

Turuang maging mas mabuting anak kaysa sa iyo na pasaway.

Malalampasan mo ang sitwasyong iyan through patience. Pagtiyagaan mong mag-undergo sa mga bagay na pinagdadaanan mo ngayon. Mahirap pero ikaw ang naglagay sa sarili mo sa ganyang sitwasyon. Kaya sana pagtiyagaan mong alagaan ang iyong anak at makisama nabg tama sa nanay mo.

Yung totoo, pabigat ka na sa kanya ngayon. So panindigan mo na, habang nagtatrabaho siya at binubuhay kayong mag-ina, makisama ka nang tama at maayos sa nanay mo.

Ayusin mo ang bahay ninyo, maglaba at gawin ang ilan pang gawaing bahay. Ayusin mo ang relasyon mo kay mudrakels. ‘Wag mo nang pag-initin ang ulo niya. Make life easier for her.

Am sure, love na love niya ang apo niya. So, alagaan mong mabuti ang kanyang apo. Alagaan mo ang sarili mo. Kung keri mong wag masyadong mag-drama, e di kausapin at pasalamatan mo verbally si mother sa mga ginagawa niya. Humingi ka ng tawad sa katigasan ng ulo at gawing mas mabuti ang relasyon ninyong tatlo.

Mahal ka ng nanay mo. Wag na lang dagdagan pa ang sakit na naramdaman niya.

Saka ka na lang magtapos pag malaki na si baby. Umiwas muna sa mga lalaki, ha. Wag nang maglandi pa. Bawi muna ke mudra bago maghanap ng daddy ni baby!

Read more...