Nadine bagong Nega Queen; pero ipinagtanggol ng netizens


IPINAGTANGGOL ng isang fan ang ginawang paghawi ni Nadine Lustre ng kamay ng isang female fan na gusotng magpa-selfie sa kanyang boyfriend na si James Reid.

“I was there po and that night di na talaga sila makapag enjoy kasi super daming gustong magpa picture. Nagtago na nga lang sila sa sulok pero talagang maraming makulit. Madami silang pinagbigyan magpa picture. Yung iba naman kasi pa ulit ulit tapos talagang makulit na kay James.

“I’m not a big fan pero nakakainis pala pag alam mo yung nangyari tapos yung iba super bash tapos may sarili ng nagawa na story. Nakakaloka.

“Pinapakiusapan sila in a nice way na tama na, not James and Nadine but nung mga kasama ko pero ayaw makinig. Nagtago na nga si James sa dulo pero marami parin makulit. Paano naman sila mag e-enjoy.”

That was the fan’s kuwento which surfaced sa isang popular website.

Kaya lang, her kuwento did not make sense sa ilang netizens who felt that Nadine was rude.

“Pero tinapik ang kamay teh. Bastos. Mas maraming dumudumog sa ibang artista pero di naman ROAD LIKE A KED.”

“Charot lang yan. Damage control para sa naghihingalong image ni Nadine. Still, inexcusable pa rin ang pagtapik or tabig sa fan. That was rude. Nega Queen indeed.”

“You can exit without making a scene. Others have done a better way of handling this type of situation.”

“Kahit pa. Pwede naman mag-excuse nang maayos or hilahin na lang si James paalis. Hindi mantatabig ng kamay. Kakaloka.”

Read more...