Regine, Julie Anne, Christian bongga ang mga pasabog sa '3 Stars 1 Heart' sa Dagupan | Bandera

Regine, Julie Anne, Christian bongga ang mga pasabog sa ‘3 Stars 1 Heart’ sa Dagupan

- April 18, 2018 - 12:05 AM


DAGUPAN—Tagumpay ang ginanap na “3 Stars 1 Heart” concert dito nina Christian Bautista, Julie Anne San Jose at Regine Velasquez last Saturday night.

Punumpuno ang CSI Stadia-Dagupan kaya naman talagang ginanahan nang bonggang-bongga ang tatlong Kapuso performers na nakisaya rin sa selebrasyon ng Bangus Festival sa Pangasinan.

Ang second leg ng “3 Stars 1 Heart” sa Dagupan ay mula pa rin sa produksyon ng GMA Entertainment Content Group at GMA Regional TV. Todo-suporta rin kina Regine, Julie Anne at Christian ang kanilang mga bossing sa Kapuso Network. Unang humataw ang nasabing concert sa Waterfront Hotel sa Cebu City last January.

Nabigyan kami ng chance na mapanood ang second leg ng concert sa Dagupan sa imbitasyon ng GMA Corporate Communication. In fairness, sulit na sulit ang ibinayad ng mga Pangasinense, partikular na ng mga taga-Dagupan sa nasabing concert dahil itinodo na ng tatlong Kapuso stars ang kanilang powers para lang mabigyan ng napakaganda at super powerful performance ang audience.

Pero bago ang lahat, ginulat ni Julie Anne ang lahat nang lumabas siya sa stage with her golden sexy gown with super taas na slit kaya kitang-kita ang mahahaba at flawless niyang legs. Akala nga ng mga tao ay naka-panty lang ang dalaga pero naka-short shorts pala siya na kakulay din ng balat.

Opening number pa lang nila ay pasabog na kung saan muling pinatunayan ni Christian ang kanyang kakaibang karisma sa mga manonood. Dito rin ipinamalas ni Julie Anne ang astig niyang galing sa pagra-rap, habang ibinirit naman ni Regine ang kanta ni Gloc 9 na “Sirena”.

Halos lahat ng production numbers sa “3 Stars 1 Heart” ay bentang-benta sa audience, lalo na ang solo spots ng tatlong Kapuso artists. Pero siyempre, meron din kaming mga favorite na hinding-hindi namin malilimutan.

Una na riyan ang makapanindig-balahibong version ni Julie Anne sa kantang “Never Enough” ni Loren Allred mula sa Hollywood musical film na “The Greatest Showman”. Grabe! Talagang palakpakan at hiyawan ang mga tao sa loob ng CSI Stadia sa galing ng Kapuso singer-actress.

Inamin ng dalaga na talagang kinakabahan siya habang kinakanta ang “Never Enough”, bukod kasi sa napakataas ng tono nito ay kailangan talagang ma-feel mo ang song para maibigay mo ang tamang rendition.

Binigyan naman ng standing ovation ang Asia’s Songbird matapos kantahin ang “Go The Distance” mula sa animated film na “Hercules”. Winner din ang kanyang “In Your Eyes” number kung saan walang takot pa niyang itinaas ang birit portion nito kaya hiyawan uli ang mga Reginians sa venue.

Isa pa sa waging bahagi ng “3 Stars 1 Heart” ay ang pagtugtog ng piano ni Julie Anne habang kinakanta ni Regine ang kanyang latest single na “Tadhana” (ng Up Dharma Down). Dito ipinagmalaki ng Songbird kung gaano talaga katalentado ang Asia’s Pop Sweetheart.

Of course, pinakilig naman ni Christian ang mga girls and gays sa audience with his latest single “Kapit”. Sabi pa nga niya, “Para sa lahat ng mga nandito na malapit nang maghiwalay, sana makatulong ang kantang ‘to para kumapit lang.”

Nagmarka rin sa audience ang production number ng tatlo kung saan kinanta ni Christian ang hit song ni Julie Anne na “I’ll Be There”, binigyan naman ng bagong tunog ni Regine ang award-winning song ng Asia’s Romantic Balladeer na “The You Look At Me” at kinanta naman ni Julie Anne ang hit na hit na “You Are My Song” ng Songbird na naging theme song ng isa sa mga blockbuster movie ni Regine na “Wanted Perfect Mother”.

Nakasama rin nina Regine, Julie Anne at Christian sa isang production number ang pride ng Pangasinan na si Renz Roboso, who represented Luzon during Bet Ng Bayan grand finals noong 2014. Pinasalamatan din nila ang fashion designer na si Glenn Goznales ng G Couture na siyang gumawa ng mga gown at suit ng tatlong Kapuso stars.

At siyempre, nagsayawan at nakikanta na ang mga manonood nang kantahin na ng tatlong bida ng show ang mga pinasikat na awitin ng Eraserheads! Kaya ang saya-saya ng feeling paglabas namin ng CSI Stadia at wala kaming narinig mula sa mga tao roon kundi, “Ang galing! Ang ganda! Sulit na sulit!”

Tama nga ang sinabi ni GMA RTV Vice President and Head Oliver Amoroso na isang hindi malilimutang gabi ng musika ang mae-experience na mga taga-Pangasinan sa concert. Sabi pa nga niya sa amin, “Kung manonood sila, para na silang nanood ng tatlong concert at hindi naman namin sila bibiguin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, after its second leg, dadalhin naman ng GMA ang “3 Stars 1 Heart” sa Dubai World Trade Centre ngayong darating na June.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending