NA-CURIOUS ang social media followers ni Kris Aquino sa ipinost niya sa Instagram nitong Lunes, partikular na sa sinabi niyang “magbabalik” gamit ang hashtag na #home at #family.
“I needed to prove myself, on my own. I needed for them to be the ones to reach out and somehow the TIMING & the PEOPLE who did the admittedly complicated negotiations had the right chemistry. I love the project & have so much respect for the production team.
“In San Francisco, I prayed for God to guide all of us in the right direction, in what would be best for all of us, now in Tokyo, I got the all systems GO confirmation and this Friday may nininerbyos na magbabalik #home #family #lovelovelove.”
Umabot sa mahigit na 4,000 ang nag-like at daan-daan naman ang bumati at nagsabi ng “goodluck” sa mama nina Joshua at Bimby.
Ang alam namin, tungkol pa rin ito sa pelikulang gagawin ni Kris sa Star Cinema. Baka malapit nang matapos ang script nito dahil base sa huling pag-uusap namin ng bagong manager niya (for non-digital) na si Erickson Raymundo ay inaayos pa ang materyal ng movie.
Muli silang magmi-meeting ng executives ng nasabing movie outfit pagdating ng bagong talent ng Cornerstone Entertainment.
Anyway, sa Abril 20 na ang balik ng Pilipinas nina Kris base sa post niyang “#LostInJapan by @shawnmendes Bye @rbchanco & @nix722 See you on the 20th. My food & details photography I feel is improving- realizing that apart from writing. I am very interested in travel photography.
“Then later on I want to progress beyond just Flipagram editing & I want to expand my musical interest beyond POP, #BTS, @eminem, hiphop, Christian contemporary, relaxing classical, and as Bimb calls them emo ballads. GOOD NIGHT. We thank you for your affection. God bless you.”
Nabanggit din ni Kris na habang nasa Japan siya ay may na-close na naman siyang deal para sa isang produkto na magiging brand partner niya. Kung tama ang bilang namin ay aabot na sa 55-57 ang endorsement at brand partnership ng KCA.