Tinanggal ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat Jr. ang litrato sa kanyang Twitter ngunit huli na dahil na-ishare na ng mga tagasuporta ng administrasyon ni Pangulong Duterte sa kanilang Facebook.
Tanging si Baguilat ang nagpaliwanag kaugnay ng isyu, sa pagsasabing,“We posed at the Holocaust Memorial not to demean the place.”
“But I took down the tweet immediately so as not to hurt sensibilities,” sabi ni Baguilat.
Iginiit naman ng marami na dapat siyang humingi ng paumanhin.
Tinangka ng Inquirer na hingan ng reaksyon ang kampo ni Robredo, gayun din sina Rep. Arlene Bag-ao, Rep. Bolet Banal, Rep. Kit Belmonte, Rep. Miro Quimbo at Sen. Francis Pangilinan.
Tanging sinagot ni Robredo ang alegasyon na buwis ng bayan ang ginamit sa study trip ng Liberal Party.
Sa isang post sa Facebook, sinabi ng opisina ni Robredo na pinondohan ang biyahe ng Friedrich Naumann Foundation at “no amount was charged to the Philippine government.”
Makikita sa litrato na naka-sunglass si Robredo habang nakangiti.