KZ Tandingan bagong cover girl ng bonggang magazine sa China

KZ TANDINGAN

HINDI man naakaabot sa grand finals ang Asia’s Soul Supreme na si KZ Tandingan sa Singer 2018 ng China, siguradong nakatatak na sa mga Chinese ang kanyang talento sa pagkanta.

Hindi na rin kami magtataka kung very soon ay magkaroon din ng career ang magaling na singer sa China matapos ang makasaysayang pagpe-perform niya sa tinaguriang pinakamalaking singing competition sa nasabing bansa.

Sa katunayan, ilang araw pa lang ang nakalilipas matapos siyang magpakitang-gilas uli sa Singer 2018 kasama ang isa pang contestant na si Jessie J at ang Asian singing sensation na si Coco Lee, inilabas na ang first magazine cover niya sa China. Ang tinutukoy ni KZ ay ang Mode Magazine kung saan makikita ang kanyang “fierce and edgy” look.

“For those who are in China! Please do grab a copy of next month’s issue of MODE Magazine! I’m on the cover,” ang caption na inilagay ni KZ sa Instagram photo ng kanyang kauna-unahang magazine cover sa China.

Read more...