RELATE na relate si Kim Chiu sa role niya sa “Da One That Ghost Away.”
“Tulad sa totoong buhay, laking lola din po ako so parang medyo malapit sa akin ang role na ito,” say ni Kim na gumaganap bilang Carmel na namana ang pagiging ispiritista ng lola niyang si Marissa Delgado.
Napatunayan ni Kim na kaya pa rin niyang magdala ng isang pelikula kahit walang matatawag na ka-loveteam. Isa sa natutunan niya sa halos 12 taon niya sa showbiz ay ang bigyan ng iba’t ibang klase ng Kim Chiu ang kanyang supporters.
“Kailangan lagi kang mag-iisip ng iba pang possible flavor na pwede mong i-share sa audience ko. Ayokong magsawa sila sa akin kaya gusto ko lagi silang may bagong makikita sa akin” she added.
MOST READ
LATEST STORIES