2018 Allianz Conquer Challenge lalarga sa Mayo 13


MAGBABALIK ang Conquer Challenge obstacle course race (OCR) sa Mayo 13 sa Vermosa, Imus, Cavite.
At sa taong ito ay may bago itong “partner” na angkop sa isinusulong at paniniwala ng naturang ORC organizers.

Nagbigay suporta sa papausbong na sports discipline sa bansa ang Allianz Philippines na kilala sa buong mundo bilang tagapagtaguyod ng sports partikular na ang football at running.

“It’s a perfect match,” sabi ni Rob Afzelius, presidente ng Conquer Challenge.

“The key message of Conquer Challenge is ‘Dare to Conquer Your Impossible” while Allianz is the ‘Home For Those Who Dare’.”

Sa ginanap na press launching ng 2018 Allianz Conquer Challenge noong Biyernes sa tanggapan ng Allianz PNB Life ay nangako ng buong suporta si Allianz Philippine chief operating officer Alexander Grenz sa event na ito na aniya ay tiyak na kagigiliwan ng mga Pinoy.

“We at Allianz believe that this sport can inspire Filipinos to take on a new challenge and embrace it without fear,” aniya.

“This race gives individuals a chance to test their mind and body’s capability and get a serious workout.”
Ang Allianz Conquer Challenge ay may tatlong kategorya: Ang Power Race na may distansiyang 7 kilometro at may 20 obstacle course; ang Beginners Race na may 12 obstacles sa layong 3 kilometro; at ang Kids Race para sa mga may edad 7-12 na kung saan kailangan nilang makatambal ang kanilang magulang sa karera. May layo itong 1.5 kilometro ay mayroong pitong madadali ngunit “challenging” na courses.

Inaasahan naman ni Afzelius na aabot sa isang libo ang lalahok sa tatlong event na ito kabilang na ang mga dayuhang nagbigay na ng intensyong sumali sa Elite at Open races.

Dagdag pa ni Afzelius, magkakaroon ng premyo ang top three finishers sa Power Race.

May nakalaan naman na medalya at finishers shirt ang lahat ng maka-kapagtapos sa kani-kanilang karera.

Ang event sa Imus ay una sa tatlong Allianz Conquer Challenge para sa taong ito. Ang pangalawang leg ay itinakda sa Agosto at ang panghuli ay sa Disyembre. Wala pang tiyak na petsa at venue para sa dalawang leg na ito.

Dumalo rin sa press launch si Philippine Obstacle Sports Federation (POSF) president Atty. Alberto Agra na nagbigay din ng suporta sa Allianz Conquer Challenge.

Isiniwalat din niya ang kampanya ng POSF na na mapabilang ang obstacle course race sa 2019 Southeast Asian Games na gaganapin dito sa Pilipinas.

“We need four countries to join the obstacle course race for it to become part of the SEA Games,” aniya.

“Hopefully, it will be included as a demo sport.”

Read more...