Kilalang loveteam hindi totoong nagkabalikan


TRULILI kaya na hiwalay na ang magkarelasyong youngstars? Hindi raw kasi nagustuhan ng magulang ng batang aktres ang ginawa ng kanyang boyfriend na young actor.

Kuwento ng aming source, “Totally wala na sila (youngstars). Hindi sila nagkabalikan, walang katotohanan ‘yun. Palabas lang nila iyon dahil may gagawin silang movie at siyempre hindi puwedeng malaman ng fans ang totoo.”

Sabi namin baka habang sinu-shoot nila ang bago nilang pelikula ay magkabalikan sila, “Well, ‘yan ang hindi ko masasagot, pero as of now, wala na sila. Inaamo-amo nga siya ni ____ (aktor) pero matigas ang girl. Hindi niya namana ang lambot ng puso ng mga tita niya (na mga artista rin).”

Samu’t sari naman ang narinig naming komento tungkol sa dating magkarelasyon. Katwiran ng katotong medyo mataray, “Choosy pa ba siya (batang aktres)? Ang bait nga ng guy at kita mong in love talaga ang mokong.”

Para sa amin, sana nga magkabalikan ang dalawang youngstar na ito dahil sayang naman ang nabuo nilang relasyon at sayang din ang kanilang loveteam.

Read more...