MAHILIG pala talagang mag-shopping si Anne Curtis online dahil sa hectic niyang schedule. Kaya sakto ang pagkuha sa kanya bilang ambassador ng Shopee sa Pilipinas.
Sa dalawang taong operasyon ay nakuha na ng nasabing online shop ang number one slot dahil nitong 2017 ay kumita na raw sila ng $4.1 billion.
Ayon sa CEO ng Shopee Philippines na si Terence Pang, kaya raw sila naging number one ay dahil sila ang may pinakamurang presyo among online stores sa Southeast Asia.
Oo nga, mahilig din kaming mag online shopping at naikumpara namin ang Shopee sa iba na puwede kang bumili for as low as P30.
“I’m a shopaholic because hindi na ako nakakapunta sa malls because of work, siyempre araw-araw may Showtime, so it’s very convenient to shop online.
“When the offer came in, I checked out their site and I am glad to be chosen as the brand ambassador dito sa Philippines because when I learned who are their brand ambassadors in SouthEast Asia, wow! I want to be part of and grow with them,” say ni Anne.
Ang BLK cosmetics na pag-aari ni Anne ay mabibili na rin sa Shopee. At ang madalas daw bilhin ng aktres sa online ay, “Most random things lang talaga, like troly na kailangan sa bahay, hairclips, pangtanggal ng make up, wipes, mga ganyan. But it’s also amazing because you would find local designers that are available.”
May payo naman si Anne sa mahihilig mag-online shopping na hindi porket mura raw ay add na lang nang add sa cart. “Before you check out, always, always review your cart kasi baka pag bayaran na, magugulat ka na lang!”
Anyway, nag-renew na rin ng bagong kontrata sa ABS-CBN si Anne kaya tinanong namin kung kailan uli siya gagawa ng serye. Noong 2014 pa ang huli niyang serye, ang Dyesebel.
“I’m not sure about serye because nawawala ako sa Showtime kapag nag-serye ako, so medyo bawal-bawal na kaming um-absent sa Showtime,” pag-amin ng aktres.
Hindi naman siya bawal gumawa ng pelikula? “Movies for sure, puwede. Kakatapos ko lang ng ‘Sid And Aya: Not A Love Story’ with Dingdong (Dantes) and another movie with idirek Yam Laranas. Katatapos ko lang ng ‘Buy Bust’ at nabili na ng Netflix,” say ni Anne.
Kung isasama ang another two years contract na pinirmahan ng aktres sa ABS-CBN ay 14 years na siya sa network, “Grabe, ang tagal na, no? I hope this is a lifelong commitment,” sabi ng aktres.
Ano na ang mga nabago sa buhay ni Mrs. Erwan Heussaf? “Nandoon ‘yung new challenges like learning how to cook, being more mindful in sharing space. Ha-hahaha! Oo kasi ang dami kong damit, ang dami kong gamit. Now, I know how to share. Pinakamahirap, I think is the cooking but I have the best teacher (Erwan) to teach me,” tumatawang paliwanag ng TV host-actress.
Hindi raw niya naipagluluto ng agahan ang mister dahil, “In the morning kasi, pareho kaming maagang nagigising at nagte-training, kaya hindi ako ‘yung nagluluto ng breakfast namin at maaga rin dapat sa studio (Showtime). So, sa gabi ko siya ipinagluluto. May mga lambing siya na food, like Thai dishes.”
Sa sobrang blessed ngayon ni Anne ay ano pa ba ang gusto niyang maabot? “Another one last concert maybe. Ha-hahaha! Career wise, siguro there’s always room for improving myself, maybe doing drama film na hindi ko pa nagagawa ulit.”