‘Contessa’ ng GMA pasok sa Top 10 ng Social Wit List


SIMULA nang i-launch ng GMA ang Afternoon Prime soap na Contessa, pasok na agad ito sa top 10 most buzzed-about new shows worldwide base sa inirelease na listahan ng Social Wit List ng Worldscreen.com para sa buwan ng Marso.

Ito lang ang Filipino show na nakasama sa listahan at base sa data, mahigit 30,000 tweets ang naitala ng Contessa mula sa iba’t ibang comments ng netizens sa Facebook at Twitter.

Panalung-panalo naman kasi talaga ang kwento ng serye lalo na ang akting ng cast members sa pangunguna ni Glaiza de Castro na kilala sa pagiging fierce at palaban.

Hindi na nga makapaghintay ang avid viewers ng serye na mapanood ang magiging transformation ni Glaiza as Contessa at kung paano niya paghihigantihan ang lahat gn nang-api sa kanya. Kaya tutok lang mula Lunes hanggang Sabado sa Contessa after Eat Bulaga.

Kasama pa rin dito sina Jak Roberto, Geoff Eigenmann, Gabby Eigenmann, Lauren Young, Phytos Ramirez at marami pang iba.

Read more...