Ai Ai ibinandera ang diamond earrings na regalo ni mister


IBINANDERA ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa social media ang diamond earrings na regalo sa kanya ng asawang si Gerald Sibayan para sa kanilang fourth anniversary bilang couple.

Ipinost ni Ms. A sa Instagram ang litrato ng natanggap na anniversary gift mula sa kanyang mister at nilagyan ng caption na: “Bigay ng aking forever…kaya kahit may sakit ako, ang saya saya ko today. Thank you sa mga gifts mo my loving husband.”

Ayon sa TV host-comedienne, “greatest blessing from God” si Gerald sa kanyang buhay, “His love is a gift that i open everyday…I love you so much darl happy 4th year anniversary.”

Nag-post naman ng kanilang photo together si Gerald sa IG at binati rin ang kanyang misis, “Happy 4th anniversary sa aking ex girlfriend kasi wife ko na siya ngayon. I love you so much my wife.”

Nagpakasal noong December, 2017 sina Ai Ai at Gerald sa Christ the King Parish sa Greenmeadows, Quezon City.

Read more...