Maine kilig na kilig pa rin sa Meteor Garden ng F4

 

MAINE MENDOZA

HINDI pa rin nawawala ang kilig kay Maine Mendoza simula nang mapanood ang unang episode ng Tagalized series na Meteor Garden ng F4.

Eh nu’ng isang araw, nagkomento siya sa Twitter nang ipaalala ng isang netizen ang first telecast ng Meteor Garden.

“Hoy teka lang naman yung kilig andito pa din,” tweet ng Dubsmash Queen nang alalahahin ang nasabing hit Taiwanese series.

Hindi akalain ni Maine na siya man ay maghahatid ng kilig nang madiskubre siya ng Eat Bulaga. Ginulo nila ni Alden Richards ang landscape ng noontime TV dahil sa pagiging phenomenal ng kanilang AlDub loveteam without lifting a finger, huh!

Pero kahit sikat na sikat, hindi pa rin nawawala ang pagiging fan girl ng Phenomenal Star, huh!

Read more...