Kris binasted agad ang bastos, maangas na manliligaw: Ayaw ko kasi ng mga fake!

KRIS AQUINO

UMABOT na sa mahigit 40,000 likes at daan-daang comments ang nakuha ng photo collage ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account.
Pinuri ng kanyang followers ang fresh and blooming aura ni Tetay sa nasabing litrato. Marami ang nagsabing nagsisilbing inspirasyon nila si Kris sa pagkakaroon ng healthy lifestyle.

Ngunit isang @mandi_monaco ang tila hindi na nakatiis sa sobrang paghanga sa Queen of Social Media. Talagang niligawan niya ang ina nina Josh at Bimby online.

Hirit nito, “Hi Ms. Kris kamusta pwed ba kitang ligawan kung papaya ka im a Simple guy lng ako ofw egnr. Pero nag nurse dito sa UK. Bka ikaw na yung da one ko kac pareho tayo lagi niloloko iniiwan. Kapag ako minahal mo mamahalin kita hbng buhay promise.”

Ito naman ang sagot ni Kris, “@mandi_monaco no thank you. I saw your feed-I don’t like ‘fakes’ & your account looks like a ‘troll’ account. Ang bastos pa nung pics. Please, I’m too smart & too pretty para mag attempt kang bolahin pa ako.”

Binash nang todo ng mga follower ni Kris ang netizen at tinawag na “stupid”, desperado at bastos.

Read more...